SEVEN SUNDAYS
ni Victoria Margaret Lapera
Seven Sundays directed by Cathy Garcia-Molina, ito ay isang pelikulang comedy-drama galing sa Philipinas. Itong pelikulang ito ay ipinalabas noong Oktubre 11, 2017. Ang kwento ay tungkol sa isang pamilya na hindi nagkakaisa at nag uugnayan kaya’t ang relasyon sa kanilang pamilya ay magulo.
Mula nang mamatay ang kanilang ina, lahat ng
kanilang mga anak ay naghiwalay na ng landas. Isang araw nagpa-check up ang ama
at na-diagnose na may lung cancer. Nang malaman ng mga anak ang nangyari,
inaasahan na ang ama ay walang sapat na oras upang mabuhay at maaaring mamatay
sa lalong madaling panahon. Isang bagay lang ang ipinahayag at hiniling ng ama
bago siya umalis at iyon ay ang muling pagsasama-sama ng lahat sa pamilya. Sa
sandaling nagtipun-tipon ang lahat sa isang lugar, naisip ng ama na lahat ay magccatch
up at mag bond, ngunit sa kasamaang palad ang lahat ay nag-aalala at nag-aaway
sa sitwasyon ng lung cancer. Araw-araw simula nang magkabalikan ang pamilya, patuloy
silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maling komunikasyon pero mostly
tumatambay pa rin parang mga bata. Lumipas ang mga araw, nakatanggap ang ama ng
tawag sa telepono mula sa doktor na nagsasabi ng maling impormasyon tungkol sa lung
cancer at wala talagang masamang karamdaman ang ama. Hindi sinabi ng ama sa
kanyang mga anak ang sitwasyon dahil alam niyang aalis na naman ang lahat kapag
nalaman nila. Too bad nalaman din naman dahil nun mas lumala ang away, hindi
pagkakaunawaan at miscommunications ngunit lahat ay nagkakaisa at naguugnayan
sa huli.
Seeing their situation and story, its very complicated and frustrating. Sa tingin ko ito ay dahil mayroon silang kakulangan ng komunikasyon at selos kaya't patuloy silang nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Natutunan ko na kailangan nating laging makipag-usap sa ating mga mahal sa buhay o sa ibang tao para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at away.
Inirerekomenda ko talaga to sa mga tao at pamilya na panoorin ang pelikulang ito dahil ito ay isang magandang pelikula na panoorin lalo na ito ay isang napakagandang kuwento. Ang panonood nito ay maaaring matuto ng isang bagay o dalawa at ang mga manonood ay maaaring magkaroon ng mindset na palaging makipag-usap sa pamilya.
No comments:
Post a Comment