Karanasang hindi ko makakalimutan
Kailanman ay hindi masama kapag tayo ay naiinis o nagagalit sa isang tao dahil tao lamang din tayo na may emotion.
Tulad na lamang ng aking karanasan sa aking
pinsan na siyam na gulang na batang lalake. Dahil sa kakulitan nito at palaging
pasaway ay walang araw na naiinis at minsan ay inaaway ko. Kahit sa maliit na
bagay ay ikakagalit ko talaga.
Nakokonsensya ako tuwing ginagawa ko ito sa kanya. Hindi tama na palagi nalang akong galit sa kanya dahil alam kong mas nakakabata siya kay sa akin. At bilang nakakatanda ay dapat unawin ko nalang na parte lang iyong ng pagiging bata niya.
Ngayon ay pinapangaralan at sinasebilan ko
nalang sakali mali ang kanyang ginagawa. Dahil minsan naging bata din tayo at
naranasan ang mga it.
No comments:
Post a Comment