Saturday, March 9, 2024

biography ni Heart Evangelista

Heart Evangelista 

Philippines



Love Marie Payawal Ongpauco o kilala bilang si Heart Evangelista ay isang aktor, pilantropo, TV host, social media star at visual artist. Si Heart Evangelista ay nagmula sa isang kilalang at mayamang pamilya sa Pilipinas. Nagsimula siya sa kanyang career sa showbiz bilang isang commercial model at later on lumipat sa pag acting. Lumabas na siya sa iba't ibang drama at pelikula sa telebisyon, na nagkamit ng pagkilala sa kanyang talento at kagandahan. 

Maliban sa kanyang acting career, kilala rin siya sa kanyang trabaho bilang visual artist. Ipinakita niya ang kanyang mga paintings sa ilang exhibitions, sa Pilipinas at sa iba pang bansa. Siya din ay kinikilala sa kanyang fashion sense at naging style icon sa Pilipinas. Siya'y madalas na itinampok sa mga kaganapan sa fashion at nagtrabaho sa iba't ibang mga tatak sa industriya ng fashion. 


Marami siyang natulungan na tao at mga charitable contributions tulad ng; Children's Welfare, Animal Welfare, Disaster relief, Healthcare and Education.


Si Heart ay hindi lamang siya icon fashion o isang influencer, siya ay nakatulong din sa mga tao at din ay nagtataguyod ng mga organisasyon na nagtataguyod ng mga gawaing kawanggawa. Itinatag pa niya ang Heart Can isang foundation na naglalayong makatulong sa mga batang may respiratory diseases. 

Kaya naman hanga ako sa kanyang mga gawa at suporta tungo sa komunidad na hindi lang tao pati din mga hayop, na siyang nagbibigay inspirasyon sa akin na maging katulad niya. Hindi lang siya mayroon ng kagandahan pero may mabuting puso.




No comments:

Post a Comment

Discover the Unknown Wandering of the Science World

  There are a lot of things that was discussed and explained at the science fair such as about chemistry, astrology, biology & physics. ...